Linggo, Enero 27, 2013

Agricultural issue


Nuclear applications can benefit agriculture by reducing water and nutrient losses by almost 25 percent without adversely affecting the overall yield of rice and corn, the Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) said.
The use of nuclear analytical techniques, which is a major component of Smart Farming-based Nutrient and Water Management (NWM) program for rice and corn production, can help local farmers increase farm productivity by enhancing the efficient and sustainable use of water and fertilizers, according to Dr. Alumanda Dela Rosa, director of PNRI during the agency’s 40th Atomic Energy Week Celebration. "


Ayon dito ang makabagong teknolohiya sa pag gamit ng nukleyar ay makatutulong sa mga magsasaka sa pag papaganda ng ani ng hindi nakakasama sa mga pananim. sa aking pagkakaalam ang nukleyar ay isang bagay na maaaring makasama sa kahit na anong bagay lalo na sa ating mga tao. Ang makabangong teknolohiya naman na ito ay mabuting sinuri at pinag aralan kung kaya't maginagt na lamang ang mga magsasaka at ibang tao sa pag gamit nito. Laging siguraduhin na ligtas ang mga bagay na gagawin dahil marami ang maaapektuhan kung sakali na ito ay pumalya.
maganda din naman na may pagbabago sa atin at nadadagdagan ang kaalaman ng ating mga magsasaka. ang mga magsasaka naten ay dapat nating bigyang halaga dahil kung hindi dahil sa knila ay maaaring bumagsak ang ekonomiya dahil wala ng pang gagalinan ng mga hilaw na materyales at walang gagamitin ang mga tao. sa lahat ng mga bagong paraan naman ay siguraduhin na ito ay ligtas at napag aralan na mabuti.

Sabado, Enero 26, 2013

hacienda luisita

Noong nakaraang araw ay aming natunghayan ang kalagayan ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita at ang panayam kay Francisco Nakpil. habang pinapanuod ko ang video ay kapansin pansin ang mahirap na sitwasyon ng mga magsasaka doon. ayon sa isang magsasaka ng Hacienda Luisita na si Francisco Nakpil ay sa buong araw na pagtatrabaho at bilad sa araw ay kakarampot lamang kanilang kinikita dahil sa dami pa ng kinakaltas sa kanilang sahod. Lahat ng magsasaka doon ay napako sa pangakong kanilang pinanghahawakan at ipnaglalaban mahigit ilang taon na. 

Ang mga magsasakang nahihirapan magtrabaho doon ay marapat lang mabigyan ng sariling lupa at ito ay ayon din nman sa pangakong binitawan ng mga Conjuangco na hanggang ngayon ay hingi pa din natutupad. Sa halip ay binigyan nila ang mga magsasaka ng iba't ibang benepisyo at kasulatan. maganda at makakatulong nman ang mga ibinigay nula sa mga magsasaka tulad ng dalawang kaban ng bigas at sa pag aaral ng mga bata ngunit paano naman ang iba pa nilang pangangailangan, pagkatao, karapatan, pagod at panahon na iginugol sa tubuhan. May iba't ibang batas na din ang naipatupad para sa kanila ngunit ano nga ba ang laban ng mga magsasaka sa matataas na tao. Wala din silang magawa kundi ang umasa na balang araw ay mapapasakanila din ang lupang hinahangad.

Lahat ng tao ay may karapatan na dapat pahalagahan at irespeto siguro nga hindi din ganoon kadali sa mga Cojuangco na ipamigay basta basta ang ganoon kalking lupain ngunit tayo naman ay matutong tumupad sa mga pangakong binitawan.