Noong nakaraang araw ay aming natunghayan ang kalagayan ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita at ang panayam kay Francisco Nakpil. habang pinapanuod ko ang video ay kapansin pansin ang mahirap na sitwasyon ng mga magsasaka doon. ayon sa isang magsasaka ng Hacienda Luisita na si Francisco Nakpil ay sa buong araw na pagtatrabaho at bilad sa araw ay kakarampot lamang kanilang kinikita dahil sa dami pa ng kinakaltas sa kanilang sahod. Lahat ng magsasaka doon ay napako sa pangakong kanilang pinanghahawakan at ipnaglalaban mahigit ilang taon na.
Ang mga magsasakang nahihirapan magtrabaho doon ay marapat lang mabigyan ng sariling lupa at ito ay ayon din nman sa pangakong binitawan ng mga Conjuangco na hanggang ngayon ay hingi pa din natutupad. Sa halip ay binigyan nila ang mga magsasaka ng iba't ibang benepisyo at kasulatan. maganda at makakatulong nman ang mga ibinigay nula sa mga magsasaka tulad ng dalawang kaban ng bigas at sa pag aaral ng mga bata ngunit paano naman ang iba pa nilang pangangailangan, pagkatao, karapatan, pagod at panahon na iginugol sa tubuhan. May iba't ibang batas na din ang naipatupad para sa kanila ngunit ano nga ba ang laban ng mga magsasaka sa matataas na tao. Wala din silang magawa kundi ang umasa na balang araw ay mapapasakanila din ang lupang hinahangad.
Lahat ng tao ay may karapatan na dapat pahalagahan at irespeto siguro nga hindi din ganoon kadali sa mga Cojuangco na ipamigay basta basta ang ganoon kalking lupain ngunit tayo naman ay matutong tumupad sa mga pangakong binitawan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento