Lunes, Pebrero 25, 2013

Underground Economy

       Ano ang underground economy at saang sektor ito kabilang ? Bukod sa tatlong sektor ng ekonomiya ay mayroon pang tinatawag na impormal na sektorkung saan ang maga kabilang dito ay yung mga negosyo o hanapbuhay na di gaano nabibigyang pansin. Ang underground economy ay ang mga negosyo na hindi nakatala sa pamahalaan at hindi nagbabayad ng buwis. Gayun pa man ang underground economy ay may kabutihang dulot pa din sa atin lalo na sa mga mahihirap na mamayan. Ito ay maaaring magbigay hanapbuhay sa kanila at dahil dito ay makabibili na sila ng mga produkto sa murang halaga. Sa lahat ng kabutihan ay may maganda din itong dulot tulad ng pagkakaroon ng mabang kalidad ng produkto at pinagsisimulan ito ng ilegal na gawain.
        Ang underground economy ay maaari ngang makatulong sa mahihirap nating mamamayan dahil nabibigyan sila nito ng hanapbuhay kahit maliiy lamang pero dapat ay lagi pa din siguraduhin ang kaligtasan nating lahatt at siguraduhin din na ito ay hindi magdudulot ng masamang gawain .

Paggawa

         Ano nga ba ang pagkakaintindi natin sa salitang "paggawa" ? ang paggawa ay kaugnay ng manggagawa. Sa ating bansa ay may dalawang uri ng paggawa, blue collar at white collar job. Ang dalawang klasipikasyon ng paggawa ay nakabatay sa kakayahan ng mga manggagawa. Blue collar job, tumutukoy sa mga manggagawa na higt na gumagamit ng kanilang pisikal na lakas at enerhiya sa pagbibigay serbisyo. Kasama dito ay yung mga nagtatrabaho sa konstruksyon at pabrika. White collar job, dito naman ay ang mga manggagawang gumagamit ng mental na kapasidad at kaisipan sa pagbibuigay srbisyo katulad ng mga nasa opisina.
         Mahirap ang buhay ng ating mga manggagawa lalo na yung mga ksama sa klasipikasyong pisikal na kakayahan ang ginagamit. Halimbawa ay ang mga construction workers na maghapong nagpapagod at kung minsan ay kahit tirik ang araw o umuulan ay kailangang magtrabaho para hindi mabawasan ang kanliang sahod. Sa kabila naman ng kanilang pagod na ibinibigay ay may kapalit namn itong sweldo. Ang sweldo ay ang kabayarang kanilang tinatanggap blang salik ng produksyon. Ngunit sa panahaon ngayon ay hindi na ata sapat ang sahod na tinatanggap nila para tustusan ang kanilng mga pangangailangan dahil karamihan sa kanila ngayon ay nagkakaroonh ng alitan laban sa pangasiwaan . Ang manggagawa ay may mga paraang maisip para lumaban tulad ng pagwewelga at boykot gayun din namn ang pangasiwaan na nakaiisip ng paraang  open shop at iba pa para tapatan ng mga mangggagawa. Sa kabila ng kanilang alitan ay nagkaroon sila ng tinatawag na "collective bargaining". Maganda na nagkaroon sila nito dahil maiiwasan na ng mga kaguluhan at alitan. Ang mga manggagawa ay may iba't ibang karapatan na dapat irespeto . Tandaan na mahalaga ang ating mga manggagawa ngunit intindihin din natin ang mga pangasiwaan na hindi lahat ng gusto ng mga manggagawa ay kaya nilang maibigay.

Ang mga Manggagawa

        Sa sektor ng agrikultura ay mahalaga ang mga magsasaka pero dito namn sa sektor ng industriya ay binibigyang halaga ang mga manggagawa. Ang ating mga manggagawa ang syang nagpapagalaw sa industriyadahil kung wala ang serbisyong inilalaan nila ay wala tayong mga produkto na papakinabangan. Kung kaya ang ating mga manggagawa ay binigyan ng iba't ibang benepisyo at karapatan para sa kanilang proteksyon. Ang mga manggagawa ay may karapatang magkaroon ng tamang sahod at maayos na lugar ng pagtatrabahuan bukod dyan ay karapatan din nilang magkaroon ng isang araw na pahinga sa isang linggo. Iyon ay ilan lamang sa mga "basic rights" kung tawagin para sa kanila. Ang pamahalaan din ay may inihandang mga batas para sa mga manggagawa tulad ng RA # 7610, 1131 , PD # 442 at iba pa.
        Sa panahon ngayon, sa kabila ng mga batas na ipinatupad para sa proteksyon ng ating mga manggagawa ay marami pa din sa kanila ng patuloy na naaabuso. Malungkot man isipin na kung minsan ay kapwa pilipino pa natin ang gumagawa nito sa kanila. Nangyayari ito marahil hindi alam ng karamihan sa mga manggagawa ang mga karapatan nila. Uso din ngayo ang pang aabuso sa mga bata sa pamamagitan ng pagpapatrabaho sa kanila na higit nmang ipinagbabawal, nakatala ito sa batas republiko #7610. Ang kabataan ang sinasabing pag asa ng bayn ay dapat pinag-aaral at hinahayaang maging malaya at matuto na maging isang mabuting mamamyan. Pahalagahan natin ang ating mga manggagawa.

Sekundaryang Sektor

       Industriya, ang naturingang sekundaryang sektor ng ekonomiya na sumasaklaw sa lahat ng uri ng paggawa at pagawaan na naitayo ng isang ekonomiya. Ang pagmimina, pagbibigay serbisyo sa mga tao, kontruksyon at pagmamanupaktyur ng mga produkto ay ang mga gawain sa industriya. Ang industriya ay isang mahalagang sektor sa ating bansa para umunlad ang ekonomiya. una, nang dahila sa mga produkto at serbisyo na agwa ng industriya ay kumikita ng dolyar ang ekonomiya. Mabenta ang produkto ng ating industriya dahil sa kalidad nito na pumapasa sa pamantayan ng pandaigdigang pamilihan. ikalwa, nagkakaloob ito ng hanapbuhay sa mga tao. Iyan ay ilan lamang sa mga kahalgahan ng sektor ng industriya.
       Tunay ngang mahalaga itong sektor ng industriya dahil kung wala ito ay wala tayong mga produktong gagamitin at walang trabaho ang karamihan sa atin. Ngunit alam ba ninyo na kakambal ngt industriya ng primaryong sektor, ang agrikultura. Sa sektor ng agrikultura nakukuha at nagmumula ng mga hilaw na amteryales na syang ginagamit ng indutriya upang makagawa ng kapakipakinabang na produkto. Sa kabila ng lahat ay may mga problema din na kinakaharap ang sektor ng industriya at ang tanging makatutulong dito ay ang pamahalaan ngunit tayong mga mamayanan ng ating bayan ay maaari ding makatulong sa pamamagitan ng pagtangkilik ng sariling produkto kaysa sa dayuhan.

Pagsasapribado ng mga Pampublikong Ospital

               Ano nga ba ang pagsasapribado? Ito ay ang paglipat o pagbenta ng mga non performing assets o mga hindi na kapakipakinabang na korporasyon na hawak ng pamahalaan sa mga pribadong sektor. Ang pagsasapribado ay nasabing isinasagawa upang mabawasan ang gastusin ng pamahalaan sa mga di kapakipakinabang na korporasyon. Noong termino ni dating pangulong Corazon Aquino nagsimula ang ganitong gawain at sabi naman ng karamihan ay epektibo naman ang resulta. 
             Sa aking palagay ay kung hindi na talaga kakayanin ng pamahalaan na hawakan o patakbuhin ang isang korporasyon ay mas makabubuti na ito ay ibenta na lamang sa pribadong sektor para mas maging kapikipakinabang sa pagbibigay serbisyo sa mamamayan. Katulad nitong mga ospital na higit na kailangan ng mga tao na kung sa pagbenta nito sa isang pribadong sektor ay mas umayos at tumaas ang kalidad ng serbisyo ay mas mabuti na ganun din ang gawin sa iba pang ospital na hindi na kayang bigyan ng pansin at suporta ng pamahalaan. Ang mahalaga ay makapagbigay ng maayos na serbisyo sa mga mamamayan.