Ano nga ba ang pagkakaintindi natin sa salitang "paggawa" ? ang paggawa ay kaugnay ng manggagawa. Sa ating bansa ay may dalawang uri ng paggawa, blue collar at white collar job. Ang dalawang klasipikasyon ng paggawa ay nakabatay sa kakayahan ng mga manggagawa. Blue collar job, tumutukoy sa mga manggagawa na higt na gumagamit ng kanilang pisikal na lakas at enerhiya sa pagbibigay serbisyo. Kasama dito ay yung mga nagtatrabaho sa konstruksyon at pabrika. White collar job, dito naman ay ang mga manggagawang gumagamit ng mental na kapasidad at kaisipan sa pagbibuigay srbisyo katulad ng mga nasa opisina.
Mahirap ang buhay ng ating mga manggagawa lalo na yung mga ksama sa klasipikasyong pisikal na kakayahan ang ginagamit. Halimbawa ay ang mga construction workers na maghapong nagpapagod at kung minsan ay kahit tirik ang araw o umuulan ay kailangang magtrabaho para hindi mabawasan ang kanliang sahod. Sa kabila naman ng kanilang pagod na ibinibigay ay may kapalit namn itong sweldo. Ang sweldo ay ang kabayarang kanilang tinatanggap blang salik ng produksyon. Ngunit sa panahaon ngayon ay hindi na ata sapat ang sahod na tinatanggap nila para tustusan ang kanilng mga pangangailangan dahil karamihan sa kanila ngayon ay nagkakaroonh ng alitan laban sa pangasiwaan . Ang manggagawa ay may mga paraang maisip para lumaban tulad ng pagwewelga at boykot gayun din namn ang pangasiwaan na nakaiisip ng paraang open shop at iba pa para tapatan ng mga mangggagawa. Sa kabila ng kanilang alitan ay nagkaroon sila ng tinatawag na "collective bargaining". Maganda na nagkaroon sila nito dahil maiiwasan na ng mga kaguluhan at alitan. Ang mga manggagawa ay may iba't ibang karapatan na dapat irespeto . Tandaan na mahalaga ang ating mga manggagawa ngunit intindihin din natin ang mga pangasiwaan na hindi lahat ng gusto ng mga manggagawa ay kaya nilang maibigay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento